ano ang kinain ni Bobby Vilassis sa umaga na papunta siya ng Bacolod para maging panelist sa Iyas?
Rodelen Paccial
Pansit.
Kumain siya ng pansit;
mahaba, nakakabwisit.
nasa kanyang isip,
maiiwan niyang mag-isa
ang bote ng san mig,
sa dumagueteng
lupang hinirang
ng mga magigilyong
bayani sa wikang Ingles.
kanyang sinipsip ang pansit,
na bwisit na bwisit
dahil ito'y di maputol
ng kanyang huna-huna.
tapos sopdrinks.
iyon, kanyang ininom,
at ang itim na likidong
nakakasunog kung laplapin
ng mabilisan
ay nagkasundo
sa modo
ni Bobby Vilassis
ng papunta siya ng Bacolod.
Siguro, maayo din doon.
sa isip niya
at inisip niya
ang mahabang sakay
ang amoy ng asukal
sa loob ng mga puno ng tubo
na tumubo
sa lupang hinirang
bayang magilyong
land of the morning,
child of the sun returning,
dumaguete.
at nabwisit ulit siya.
bwisit na bwisit,
na parang pansit
na niluto pa nung isang araw
at di maputol-maputol
sa kanyang isip
ang mga huna-huna
ng gabing naiwan siyang mag-isa
sa bahay nila
nung bata pa siya
at wala ang kanyang mga magulang.
at siya'y gutom na gutom.
at ang naiwang ulam lamang
ay ang dilaw na pansit
na nung isang araw pa niluto
ng ama niyang mandirigma
sa ikalawang digmaang pandaigdig,
bilang guerilla,
isang english-spokening type,
who fought the damn Japs,
through the forests of actual trees
and mountains of metaphor,
in my dear beloved,
land of the lovely beach,
dumaguete.
at di niya maputol-putol
ang pansit,
naalala niya ulit
kaninang umaga
at pagbaba niya sa bacolod,
bumili siya ng sopdrinks,
green at malamig.
at iyon ay di sumang-ayon sa modo
ni Bobby Vilassis at lumabas
siya ng carinderiang
naghahanap
ng yosi, at kanyang nakilala
si Maria
na taga-La Salle.
at ito'y sumag-ayon sa kanyang modo.
at naging mahinahon ang panahon
at mga pangyayari,
pumasok siya ng La Salle,
nakangiting may baong pakete ng yosi
at lipstick ni Maria
sa kanyang leeg
sa ilalim ng kuwelyo
ng orange at dilaw
niyang polo;
parehong hindi nakita ng guard,
na okyupado sa pagkain
ng pansit
sa huling gabi niya sa bacolod
bago siya umuwi ng dumaguete,
kung saan dumuduyan
ang mga magigiting
na heroes.
the poem tells of a fictional Bobby Vilassis and a reference to the Dumaguete Workshop's preference for English works only. I personally think that they have their reasons. Anyways, the paralellism of English/Dumaguete/Nation in the poem was a reflection of what the writers in Filipino thought of the workshop. But beyond this it is a tribute to Bobby Vilassis who in my opinion was one of the better panelists to Iyas.
Monday, March 19, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment